PARA SA MGA TANGA KATULAD KO

May 18th, 2009

TIPS para hindi ka magsisi sa HULI: 

  • Kung hindi ka willing masaktan, habang nanliligaw pa lang siya e patigilin mo na. Kakambal ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo. Mas maganda kung i-enjoy mo muna ang buhay single. Mahirap na bumalik sa mundo ng single ng hindi ka injured. NO TO BOYS! :))
  • Isipin mo ang history ng manliligaw mo. Kung mabilis siya magpalit at magsawa noon, nako mag-isip ka na.Di tayo mga damit na kapag madumi na e magpapalit lang.
  • Pwede ring itanong mo yung dahilan ng break up nila ng ex niya. Mas maganda kung alam mo yung panig nilang dalawa. Malay mo nagsisinungaling yung isa, di ba? Dun mo malalaman kung good boy talaga siya o hindi.
  • Kung first ka man nya, siguraduhin mo na mature enough na siya para sa commitment. Hindi lang kasal ang bawal iluwa pag mainit. Tandaan mo yan.
  • Siguraduhin mo na nakapag-move on na talaga siya sa ex niya ha!
  • Wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. Sabihin mo na ipakita niya by actions hindi sa mga mabulaklak na salita lamang.
  • Hindi porke pinagkakagastusan ka niya ng pera at oras niya ngayon e mahal ka na niya. Mag-isip ka nga! Baka hindi mo alam ang pera at oras na masasayang mo kapag iniwan ka niyan. Haha!
  • Hindi porke pinili ka niya ngayon e ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for grantedkasi ayaw sa kanya nung mahal niya.
  • Wag kang magbibigay ng alam mong pagsisisihan mo lang. Wag mong ibigay ang mga bagay na di mo na mababawi kelan man. Wag mong ibigay lahat. In short, tikim tikim lang. :)) HAHAHA!
  • Mag-ingat sa mga libre at bigay sayo. Baka pag tapos na ang lahat sa inyo at magsumbatan kayo, e magulat ka na lang na loan pala yun at kelangan mong bayaran. May tubo pa.
  • Kung nag-iisip ka ng pwedeng iregalo sa kanya, tip ko sayo e picture niyong dalawa — yung malaki ha? Yung hapi kayong dalawa. Yung PINAKA maganda niyong pic ever. Para kapag naghiwalay kayo at sa tuwing nakikita niya yun e, manghihinayang siya sayo na tipong masasabi niya sa sarili nia, “SAYANG pinakawalan ko pa itong perfect girl na ito.” Super pag-sisisi ang mararanasan niya.
  • Bumili ka ng katalinuhan. Oo, tanga ka pero wag mong abusuhin ang prebilehiyo ng pagiging “forever” tanga. Sayang naman ang paghihirap ng magulang mo kung magpapakatanga ka sa walang kwentang lalaki.
  • Magimbak ka ng kahihiyan at awa sa sarili mo. Kelangan yon! Tama!
  • Wag akuin ang hindi mo kasalanan. Kapag nasanay siya, aabusuhin niya un. Magmumukha kang kawawa. Eww.
  • Lagi mong tandaan na kung mahal ka talaga niya,hindi kailanman sasagi sa isip niya na saktan ka. Kung tunay syang lalaki, may paki sya sa nararamdaman mo at sa relasyon niyo. * AGREE AKO DITO. AGREE!!!!!


TANDAAN MO pagdating sa BREAK UP: 

  • Pag sinabi nilang kailangan nila ng time ang ibig sabihin nun e kelangan nila ng time para makapag hanap. Di totoo na hahanapin nila ang sarli nila. Ibang bagay ang gusto nilang hanapin at di nila yun nahanap sayo. * Eto ang mali para sa akin. May kanya kanya tayong dahilan mga dudes. Kung napanuod mo ang ONE MORE CHANCE nila Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. TAMA LANG ANG GINAWA NI BEA!!! 
  • “Kaya sila gumagawa ng mga stupid reasons kasi ayaw nila tayong masaktan..”
  • “..pero hindi nila alam mas nasasaktan tayo ng bonggang bongga!
  • Pag sinabi na nilang namimiss na nila ang sarili nila, ibig sabihin nun nasasakal na sila sayo. Madami ka sigurong limitations. Marami siyang hindi nagagawa dahil sayo. Ganun kasimple. * Ang tunay na pag-ibig ay may kalayaan din. HINDI KALAYAAN MAGHANAP NG IBA kundi KALAYAAN NA GAWIN KUNG ANO YUNG MA GUSTO MO AT HINDI GUSTO NIYA NA GAWIN MO. Ibig sabihin, kalayaan pa rin para gawin mo yung gusto mo nang hindi mo siya masasaktan. Get it? Get it? Get it?
  • Kaya nambababae ang mga lalaki ay dahil sawa na sila sau. Gusto nila mag-explore ng iba. *TAE. Mag-explore? Ano yun, may ma-experience na iba? Ew. Tao kami hindi bagay.
  • Pag nakipaghiwalay sayo na walang matinong dahilan – malamang bakla un.
  • Lahat ng lalaki tumitingin sa iba. Tama ang nabasa mo. LAHAT. Di man nila aminin pero ganun yon. Oo. Walang Edward Cullen sa totoong buhay. Tama na ang umasa. Darating at darating ang point na mapapatingin sila sa iba — pero yung iba hanggang tingin lang ayun ang good boy. Pero totoo nga yon. Kaya nga tayo may peripheral vision diba? Para di mahalata na nasa iba yung tingin. Tama ba? At sakasadyang ginawa ang mata ng mga lalaki na mabilis. Well, ginawa namang mabilis ang utak ng mga babae. HAHAHA!


TIPS kapag NAG SISI ka na:

  • Hello? Di pa katapusan ng mundo. THERE ARE MANY FISH IN THE SEA. Maganda ka– maniwala ka sa nanay mo. HAHAHAHA!
  • Normal na umiyak ka – pero wag naman sa harap niya na with matching tulo pa ng sipon ha. Duh! Ampanget. Swear!
  • Wag kang makikinig sa mga slow songs na tipong sinasampal sayo yung mga lyrics.
  • Maniwala ka sa kasabihang, “new haircut, new boyfriend” – baka naman hiniwalayan ka dahil sa buhok mong pagkaganda ganda!
  • Wag kang mag puyat sa kakaiyak. Baka madaig mo pa ang patay sa lalim ng mata mo. Maawa ka naman sa sarili mo.
  • Wag kang magmukmok. Lumabas kayo ng friends mo. Malay mo nasa mall ang man of your dreams.
  • Wag mo syang burahin sa Y!M at FS mo. Pustahan hindi ka makakatiis niyan, hindi mo mapipigilang magtanong sa kaibigan mo kung anong stat message nya, kung online ba siya, kung sino nacocomments sa kaya at sino ang mga featured friends niya. Nang-iistorbo ka sa buhay ng may buhay. Bura bura epek ka pa diyan e kabisado mo naman. Ikaw yung magmumukhang LOSER sa pag add mu uli sa kanya. Hahaha! Panget yon ah!
  • Wag na wag kang magpapapansin sa YM. Wag ka maglagay ng mga paawang epek na stat msg or magON and OFFline ka ng ilang beses dyan — ikaw lang ang mag-mumukhang tanga. loser!
  • Iwasan ang paglalagay sa group message ng bitter quotes at special mentions na malalandi ung tipong lahat e para sa lalaki. Wag mo nang daanin sa group message! Sabihin mo na lang sa harap niya.
  • Wag mo na din itry na burahin yung number niya. Alam nating lahat na kabisado mo yan.
  • Tandaan mo na tao lang siya. hindi siya perpekto. Hindi siya hangin na kelangan mo sa araw araw at minuminuto. Kung ayaw mo maniwala, adik ka!
  • Wag sasabak sa sumbatan ng wala kang armas at kung alam mong dehado ka. Para din yang intermission number, bongga ka kung may hayop kang entrance at exit.
  • Kung gusto mo talagang magpakamatay, bahala ka. Lugi ka noh. Alam mo kung bakit? Dahil sa dami dami ng lalaki sa mundo e siya lang natikman mo. Payag ka nun? Explore girl!
  • Wag kang iinom ng hindi mo kaya. Wala kang mapapala — hindi mo malilimutan yung hapdi na ginawa niya sayo. Ang tanging bagay lang na malilimutan mo e yung mga ginawa mo habang lasing ka– hindi masusulusyunan ng isa o kahit ilan pang bote ng alcohol yang problema mo.
  • Kung tips sa pagpapakamatay ang hanap mo, ang pinaka magandang solusyon ay pagpapanggap. Yung tipong friends forever kuno kayo. Kwento niya yung bago niya. Ipagyayabang niya kung gaano kaganda, ka-sexy, kabaet, katalino, kayaman, kasweet at lahat ng opposite mo ung girl niya. Anong kamatay matay dun? Edi yung pagpapanggap mo na napakasaya mo para sa kanya kahit gusto mo na siyang hilahin sa impyerno.
  • Wag kang magpanggap na masaya ka. Tanggapin mo na lang kahit unti unti; Wag kang maging plastik sa sarili mo. Loka! Baka magulat ka isang araw hindi mo na kilala kung sino ka– magpakatotoo ka! Walang masama dun pero hinay lang at baka may nasisipa ka na jan.
  • Wag kang maghabol. Wag ka umasang babalik pa yan. Lalaki lang ulo niya. Magiging feeling siya– Gusto mo?
  • Hindi masarap ang pride. Actually, nakakalason. Wala akong kilala na naging masaya sa pagkain ng pride niya.
  • Kung babalik yan, magingat ka. Kung nagawa na niya sayo un, kaya niyang gawin uli un. Wag ka maniwala kaagad na nagbago at nagsisisi siya. Mas masakit kapag second time na niloko ka nya.
  • Pero wag mong isara ang puso mo sa kanya. Malay mo nag-bago at na-realize na niya ung pagkakamali niya.
  • Higit sa lahat. Wag mong isasara ang puso mo sa ibang lalaki. Wag mong sabihin na di ka na magmamahal muli. Sa ngayon siguro– oo, masasabi mo yan pero pag may nakasabay kang gwapong lalaki sa jeep e parang nalimutan mo na isinumpa mo ang lahat ng mga lalaki. Maiisip mo, ‘di naman lahat ng lalaki katulad ng ex ko.’ HAHAHA!
CREDITS SA TABI TABI
The End

jowk jowk!

January 14th, 2009

Juan: Buwiset na shampoo ito.. hindi bumubula
Pedro: paanong bubula yan hindi naman basa ang buhok mo!!!
Juan: Baliw!!! for dry hair nga daw ito eh!!! bobo ka ba??!! Epal!!!

————————

Do you know INNER ROW???

What is inner row??

Inner Row is that which comes before

Pibrerow
Marsow
Abril
Mayow…

———————–

Alcohol Solves no problems. Neither does milk. Pero buti pa ang alak, libre kung minsan.
Eh ang Milk?? Meron na bang nag-treat ng milk? at sinabi nya tara dude milk tau??!!!

———————–

Mag syotang nag uusap sa tabing dagat

Girl: Hon anong zodiac sign mo??
Boy: (nagisip siya dahil bobo hindi nya alam) sayo muna hon.
Girl:zodiac sign ko Cancer
Boy: sa kin Goiter!!!

———————–

as proposed by law sex will now be taxed.
1. upon penetration(VAT Vaginal Access Tax)
2. more that 10 minutes inside(burial Tax)
3. Upon withdrawal(exit tax)
4. Those who do not have sex life(idle asset tax)
5. those who practice withdrawal method of birth control(withholding tax)
6. Entering other than wife(road users tax)

Kung matutuloy ito, sa iyo pa lang makakaahon na ang Pilipinas sa lahat ng utang.. Mabuhay ka!!!

———————-

Anak: Tay, May assignment kami find the least common denominator daw
Itay: ha? nung elementary ako assignment na namin yan. Hindi pa ba yan nahahanap???

———————-

A mother asked her daughter about her sex life. the daughter only answer. “Cebu Pacific”
On the way home, the mother saw the billboard and was shocked!!!

“Cebu Pacific 7 days a week, twice daily and both ways!!!”

That girl!! idol!!!

———————-

Anak: Tay, ilan “r” ng correspondent?? isa o dalawa???

Tatay: Tatluhin mo na para sure!!!

———————-

Pasyente: Magkano ang facelift???

Doktora: Complete treatment ay P145,000

Pasyente: mahal!!! ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong bata??

Doktora: eto tsupon, P20 lang!!!

———————-

Lessons learned from Trillanes
1. pwede palang maglakad from Makati Trial Court to Manila pen
2. Kasya pala ang tangke sa hotel
3. pag naposasan pala ang media, nakakalimutan ang nag-aaklas sila muna pinaguusapan
4. hindi pala maganda si pinky webb pag walang makeup
5. kulot pla si ces drilon pag hindi nagblower
6. bago maglunsad ng coup, isaalang alang ang kalagayan ng panahon.

———————–
Nung makita kita inaamin ko hindi ko mapigilan tumingin sa mukha mo.. sa mata mo.. sa bibig ko.. lahat
tapos sabi ko sa sarili ko.. haru dios ko!!! walang duda…

si KOKEY nga ito!!!

The End

Hello world!

October 14th, 2008

Welcome to Friendster Blogs. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging!

The End